-- Advertisements --

Patuloy na iniimbestigahan ng mga kapulisan sa Lamitan City, Basilan ang naganap na pagsabog ng improvised explosive device.

Nangyari ang pgsabog sa labas lamang ng city hall nitong pasado ala-sais ng gabi.

Ayon sa PNP na walang sinuman ang nasugatan at nasawi sa nasabing pagsabog.

Dahil sa pagsabog ay nasira ang tubo na daanan ng tubig at ang bahagi ng pader.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad kung saan nagpakalat na ang mga ito ng checkpoint.

Magugunitang noong Mayo 30 ay isang pagsabog ang naganap sa garahe ng isang bus.