-- Advertisements --

Narekober ng militar ang isang Improvised Explosive Device (IED) ang mga sangkap sa paggawa ng bomba sa lalawigan ng Maguindanao.

Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na habang nagpapatrolya ang mga tauhan ng 34th Infantry Battalion Philippine Army sa Brgy Pimbalayan Mamasapano Maguindanao ay nadiskubre nito ang isang IED at mga sangkap sa paggawa ng bomba na iniwan ng mga terorista.

Agad namang nagresponde ang mga tauhan ng 3rd Explosive Ordnance Disposal Team ng Philippine Army at kusang pinasabog ang bomba.

Sinabi ni M/Gen Uy na hindi nila hahayaan na muling maglunsad ng teroristic attacks ang mga rebelde.

Matatandaan na napatay ng 90th Infantry Battalion Philippine Army ang local bomb expert ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Kumander Abu Master sa Brgy Pagagawan Datu Montawal Maguindanao na may dalang bomba.

Sa ngayon ay hinigpitan pa ng militar at pulisya ang seguridad sa Maguindanao at North Cotabato dahil sa banta nang pambobomba ng mga terorista.