LA UNION – Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang ice cream vendor matapos maaresto sa buy bust operation sa Barangay Ilocanos Sur, San Fernando City, La Union .

Nakilala ang suspek na si Gino Parayno, 44-anyos na residente ng Barangay Catbangen sa nasabing siyudad.

Kabilang ang Provincial Intelligence Unit at Philippine Drug Enforcement Agency-Region 1 sa nagsagawa ng operasyon kung saan nakuha mula sa suspek ang sachet ng umano’y shabu, 18 plastic sachet ng umano marijuana leaves, at P1,000 buy bust money.

Sa ngayon nasa kustodiya ng kapulisan ang suspek para sa karampatang pagharap nito sa korte.