-- Advertisements --

Nagpadala na ang Internationl Criminal Court (ICC) ng mga tao sa Ukraine para imbestigahan ang naganap na war crimes.

Ayon kay Karim Khan ng prosecutors’ office ng ICC na ang mayroong 42 kataon na binubuo ng investigators, forensic experts at support personnel ang nasa Ukraine na.

Makikipagtulungan aniya ang mga ito sa mga otoridad sa Ukraine para makakuha ng mga ebidensiya at pag-aralan ang kanilang mga hakbang.

Nais din nila ipaalam sa mga pamilya ng biktima at survivors na mayroong international law na babantay sa kanila.

Pinasalamatan nito ang ilang bansa gaya ng the Netherlands at France.