-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY -Magsasagawa umano ng sariling imbestigasyon ang International Criminal Court (ICC) laban sa kontrobersyal na anti-drugs war policy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa.

Ganito ang paniniwala sa kontrobersyal na abogado na taga-Mindanao na si Atty. Jude Sabio kaugnay sa ginawa na pagtanggap ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na pinaboran ang resolusyon ng Iceland upang magbigay ng sapat na paliwanag si Duterte sa war on drugs campaign nito.

Inihayag ni Sabio sa Bombo Radyo na bagamat matagal na sanang ginawa ito ng UNHRC sa liderato ni Duterte subalit sinang-ayunan na rin nito ang hakbang ng Iceland na naghain ng resolusyon na pinaboran ng 18 bansa para pagpapaliwanagin si Duterte sa mataas na bilang ng patayan dahil sa kampanya laban ilegal na droga.

Sinabi ni Sabio na dahil sa ginawa ng UNHRC, hindi na malayo na papasok na rin ang ICC upang pormal mag-iimbestiga sa palisya ni Duterte pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa.

Si Sabio ay nagsampa ng kasong crime against humanity at genocide sa ICC kung saan kabilang sa ginamit na salaysay nito ay nagmula kina sa Edgar Matobato at retired SPO3 Arturo Lascañas na self-proclaimed members ng Davao Death Squad (DDS) na pinapatakbo umano ni Duterte sa Davao City bago nahalal na pangulo ng Pilipinas.