-- Advertisements --
image 647

Ibinasura ng Appeals Chamber ng International Criminal Court ang apela ng Pilipinas na suspendihin ang imbestigasyon ng prosecutor nito sa mga pagpatay sa war on drugs ng nagdaang Duterte administration.

Ginawa ang naturang desisyon na nilagdaan ni Judge Marc Perrin de Brichambaut kasunod ng inihaing appeals brief ng Office of the Solicitor General (OSG) na noong Marso 13.

Ayon sa naturang kapulungan, nabigo umano ang gobyerno ng Pilipinas na ipaliwanag ang kawalan ng hurisdiksiyon ng korte o magbigay ng paliwanag sa implikasyon o consequences ng imbestigasyon ng Prosecutor ng ICC sa mga suspek, testigo at mga biktima.

Ipinunto din nito na ang maaaring magpatuloy pa rin ang local investigation kahit walang nagpapatuloy na imbestigasyon ng ICC.

Una ng sinabi ng gobyerno ng Pilipinas na isang panghihimasok sa soberanya ng bansa ang pangingialam ng ICC at imbestigasyon nito sa war on drugs ng bansa.