Iniurong na ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at ilang mangingisda ang Writ of Kalikasan at Continuing Mandamus petition na una nang sumalang sa oral argument sa Supreme Court (SC).
Pati ang IBP at dating dean na si Atty. Chel Diokno ay umatras na rin umanong counsel ng mga mangingisda at petitioners na sina:
- Ricarso Natural
- Larry Hugo
- Arzel Belidan
- Ronald Grandia
- Ronel Badilla
- Expedito Magdayao
- Jonel Hugo
- Robert Valdez
- Sanny Belidan
- Rowl Ejona
- Felix Ulzon
- Raffy Asiado
- Primo Asiado
- Adrian Abayan
- Danilo Belono
- Romeo Malaguit
- Dennis Bania
- Jing Malinao
- Nilo Labrador
- Rolando Labandelo
Bukod sa IBP, kasama sa mga naghain ng motion to withdraw ay sina:
- Monico Abogado
- Roberto Asiado
- Nonelon Balbontin
- Randy Dacumos
- Angelo Sadang
- Rent Magbanua
- Wilfredo Labandelo
Hiling din ng IBP at iba pang mga petitioner na alisin sa rekord ng korte ang manifestation with motion na isinumite ng Office of the Solicitor General sa oral arguments noong July 9, 2019.
Ito ay ang pagsusumite ng affidavit ng 22 mangingisda na umaatras sa kaso.
Una rito, inihirit ng IBP sa Korte Suprema na mabigyan sila ng palugit at tiyansa para makausap ang mga mangingisda mula sa Palawan at Zambales na tumatayong mga petitioners sa kaso.
Sa isinagawang oral argument, ibinunyag ni Calida na ilan umano sa mga mangingisda na petitioners ay pumirma nang walang identification cards habang ang ilan ay pinasinungalingan ang mga pirma at ang 19 ay nag-withdraw na sa kaso.
Sinabi ng SolGen na panlilinlang ito hindi lamang sa mga mangingisda kundi pati sa kataas-taasang hukuman.
Sa opening statement ni Calida sa oral argument, sinabi nitong lumapit daw ang mga mangingisda sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para pasinungalingan na kasali sila sa mga mangingisdang nagpetisyon.