CAUAYAN CITY – Isasagawa ng Integrated Bar of the Philippines-Isabela Chapter ang takbo para sa hustisya sa April 29.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Lucky Damasen Presidente ng IBP Isabela Chapter sinabi niyang ang fun run ay gaganapin sa Ambatali, Ramon, Isabela sa April 29.
Aniya, iminungkahi ito ng IBP para matulungan ang mga Person Deprived of Liberty (PDLs) na nakulong dahil sa mga kinakaharap na kaso at may pagkukulang sa kanilang pangangailagan.
Sa katunayam aniya karamihan sa mga nakakulong ay mahihirap at walang kakayahang makapagpiyansa kaya ang layunin ng IBP ay makapagbigay ng tulong pinansyal man o materyal.
Bahagi ng malilikom sa fun run ay gagamitin para sa kanilang free legal aide program at puntirya nilang maikot ang lahat ng munisipyo sa Lalawigan para magbigay ng libreng pagpapayong legal.
May ipinakalat na online registration sa Lunsod ng Cauayan, Santiago, North Eastern College, Isabela State University, sa tanggapan ng IBP at sa Local Government ng Ramon, Isabela.
Nagpahayag din ng kahandaan si Atty. Damasen na muling makatuwang ng Bombo Radyo Cauayan para sa pagbibigay ng libreng serbisyong legal na bahagi ng kanilang adhikain na makapagbigay ng hustisya para sa mga kapos palad.