Nagbanta ngayon ng tigil pasada ang iba’t ibang transport groups sa susunod na linggo kapag hindi pa rin naaaksiyunan ng pamahalaan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.Base sa pagpupulong ng iba’t ibang transport group, balak nilang magsagawa ng tigil pasada sa Martes Marso 15.
Ang kanilang isasagawang tigil pasada ay kapag hindi pa rin naaksiyunan ng pamahalaan ang hirit nilang masuspindi ang excize tax sa langis maging ang pagbasura sa oil deregulation law.
Iginiit ng nasa 30 groupo ng tranaportasyon na nasa ilalim ng National Public Transport Coalition na hindi na sapat ang kanilang kinikita para buhayin ang kanilang mga pamilya.
Hindi na rin daw kakayanin ng mga tsuper na bumiyahe pa kapag tataas na naman ang presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Kasunod na rin ito ng malakihang oil price increase ngayong linggo.Kabilang daw sa mga lalahok sa tigil pasada ang mga jeepnet drivers, transport network vehicle service (TNVS), taxi drivers, bus, UV express, delivery service maging ng mga tricycle.
Ayon kay Piston national president Modi Floranda, kailangan daw tanggalin ang excize tax sa langis maging ang pil deregulation law para maibsan ang pasanin sa presyo ng petrolyo.
Pagod na raw ang kanilang grupo na araw-araw na pumapasada pero nabibitin pa rin ang kanilang kitang iuuwi sa kanilang pamilya.
Suportado na rin ng Piston na ibalik ang P1 na dagdag sa pasahe dahil malaki umano itong tulong sa mga drivers at operators.