-- Advertisements --

Dadalhin ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga job fairs at Kadiwa ng Pangulo sa mga manggagawang Pinoy sa pagdiriwang ng 122nd Labor Day sa Mayo 1.

Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma, na nasa 1 job fair at Kadiwa ang kanilang target na dalhin sa bawat probinsiya.

Dahil dito ay maraming mga manggagawang Pinoy at mga naghahanap ng trabaho maging ang mga konsyumers ay may access na sa employment opportunities at mga murang produkto.

Ilan sa mga pangunahing bakanteng trabaho ay ang production workers, customer service representatives, cashiers, baggers, sales clerks, laborers, carpenters, painters, microfinance officers at maraming iba pa.

Pinayuhan ng DOLE ang mga aplikante na maghanda ng maraming mga requirements sa kanilang pag-apply ng mga bakanteng trabaho.

Sa Kadiwa ng Pangulo ay mayroong 1,015 ng mga kumpanya, 2,414 na mga sellers sa 92 Kadiwa sites.

Ang Labor Day sa Mayo 1 ay mayroong tema na : “Sa Bagong Pilipinas : Manggagawang Pilipino, Kabalkat at Kasama sa Pag-asenso.