BAGUIO CITY – Naghahanda na ang iba’t-ibang negosyo sa Baguio City para sa inaasahang muling pagbubukas ng mga ito sa susunod na linggo.

Ayon kay Baguio City Licensing Officer Allan Abayao, nakipag-ugnayan na sila sa mga negosyong pinahintulutang magbukas.

Tiniyak nito na bago magbukas ang mga negosyo ay dadaan ang mga ito sa mahigpit na inspeksyon.

Inihayag pa ni Abayao na tutulong ang Department of Trade and Industry sa pagsusuri sa kalinisan at seguridad ng mga establisyemento sa lunsod para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.