Natukoy na ang pagkakakilanlan ng iba pang mga biktimang nasawi sa plane crash na kumitil sa lahat ng 10 pasahero kabilang ang lider ng Russian mercenary group na Wagner na si Yevgeny Prigozhin.
Ito ay makumpleto ang Molecular-genetic testing o DNA test.
Ayon sa Investigative Commitee (SK), lahat ng 10 biktima ay natukoy na at akma sa listahan ng mga pasaherong lulan ng private jet na pagmamay-ari ni Prigozhin na bumgasak sa may hilagang -kanluran ng Moscow noong Agosto 23.
Kabilang sa mga biktima ay ilang senior officials ng Wagner gaya nina Dmitry Utkin na kanang kamay ni Prigozhin at namamahala sa military operations ng Wagner.
Natukoy din ang iba pang mga biktima na miyembro ng mercenary group na sina Valery Chekalov, Sergei Propustin, Yevgeny Makaryan, Alexander Totmin at Nikolay Matuseyev.
Kabilang din sa nasawi ang piloto ng private jet na si Alexei Levshin at co-pilot nito na si Rustam Karimov, at isang flight attendant na kinilalang si Kristina Raspopova.
Iniuugnay ang pagkasawi ng Wagner leader sa insidente dalawang buwan na ang nakakalipas matapos ang naudlot na pag-aaklas ni Prigozhin laban sa Russian armed forces.
Subalit itinanggi naman ng Kremlin ang spekulasyon na sila ang nasa likod ng pagpatay sa Wagner leader.