-- Advertisements --

Nilinaw ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi pa pinal ang planong mass testing ng COVID-19 sa April 14.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni Vergeire na paguusapan pa ng Inter-Agency Task Force mamaya ang guidelines sa inaasahang pagpapatupad ng malawakang testing.

Ang malinaw lang daw sa ngayon, na sakaling matuloy ang nasabing plano, ay uunahin ang mga may sintomas.

“Ang mass testing na sinasabi natin ay hindi lahat ng tao sa ating bansa. Ito ay magkakaroon din ng protocol kung saan, sakaling itutuloy nga itong, yung mga may sintomas ang unang ite-test natin,” ani Vergeire.

Kung magpo-positibo naman daw ang mga ito ay agad na irerekomendang ipadala sa mga Community Quarantine Facility.

Nitong Huwebes nang ianunsyo ni Presidential Peace Adviser Sec. Carlito Galvez na siyang chief implementer ng COVID-19 response, na target nilang simula ang mass testing sa April 14 sa mga patients under investigation at under monitoring.

Batay sa data ng DOH, mula Enero ay nakapagtala sila ng 6,0002 na mga PUI at 6,321 na mga PUM sa buong bansa.