-- Advertisements --

Itinalaga bilang bagong chairman ng Senate Committee on Finance si senador Mark Villar, matapos itong tanggalin kay Sen. Sherwin Gatchalian na naglalayong gawing mas transparent ang proseso ng pagtatakda ng pambansang budget sa bansa.

Si Villar ay humalili sa komite habang hinaharap ang mga alegasyon mula kay dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo na umano’y tumanggap ng mga kickbacks mula sa maanumalyang flood control projects noong panahon ng kaniyang panunungkulan sa ahensya.

Hanggang ngayon, wala pang pahayag si Villar hinggil sa kanyang pagkakahalal bilang finance chair.

Iginiit naman ni Sen. Gatchalian, na ang finance chairmanship ay isang posisyon ng tiwala ng publiko at binigyang-diin ang experience ni Villar sa iba’t ibang posisyon sa gobyerno at sa negosyo na nagbibigay sa kanya ng malalim na pang-unawa sa usapin ng pananalapi.

Sa pamumuno ni Gatchalian, itinaguyod ng senador ang transparency, partikular sa bicameral conference committee ng General Appropriations Bill, na matagal nang nabatikos dahil sa pagiging secreat forum nito at umano’y nagaganap na “horse-trading” ng bilyong pondo ng publiko.

Kasabay ng pagkakahalal ni Villar, isinagawa rin ang malawakang reorganization ng Senado noong Lunes kung saan tinanggal sa minorya ang kanilang committee chairmanship tulad nina Sen. Bam Aquino ng Committee on Basic Education na napunta kay Sen. Loren Legarda, at Sen. Risa Hontiveros na hawak ang Committee on Health na napunta kay Sen. Bong Go.