Dismayado si Ombudsman Jesus Crispin Remulla sa pagtanggi ng Senado na tanggapin ang inilabas nitong subpoena.
Ang subpoena ay inilabas para makuha ang mga CCTV footage at iba pang records sa Senado bilang bahagi ng imbestigasyon sa nangyaring shooting incident.
Isinabay ito sa suspensiyon na ipinataw ng Ombudsman kay Senate Acting Sergeant at Arms chief Mao Aplasca dahil pa rin sa nangyaring shooting incident.
Ayon kay Remulla, nagkakaproblema ang process server ng Tanodbayan sa pagdeliver ng subpoena dahil ayaw itong tanggapin ng Senate.
Ito ay sa kabila aniya ng opisyal na notice na inilabas ng naturang opisina.
Gayunpaman, nanindigan si Remulla na para sa kaniya ay ‘considered served’ na ang subpone kahit hindi tinanggap ng mataas na kapulungan.
















