-- Advertisements --

Nangako ang Inter-Agency Task Force on Traffic o I-ACT ng buong suporta sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ito ay para sa pagsasaayos at pagpapabilis ng serbisyo sa ilalim ng pinalawig na “Libreng Sakay” sa EDSA Bus Carousel at iba pang Public Utility Vehicles o PUV’s.

Nagpulong sina I-ACT Chief Charlie Del Rosario at LTFRB Chairperson, Atty. Cheloy Garafil kung saan ay tampok dito ang iba’t ibang usaping bumabalot sa sektor ng pampublikong transportasyon.

Dito, pinag-usapan din ng dalawa ang pagpapalakas ng mga nasimulang programa ng mga nabanggit na ahensya partikular na ang law enforcement, traffic management at pagpapanatili sa kaligtasan ng road users.

Nagbigay din ng kanilang committment sina Del Rosario at Garafil na magpupursige pa upang makamit nila ang hamon ni DOTr Sec. Jaime Bautista na bigyan ng mura, ligtas at accessible na pampublikong transportasyon ang mga Pilipino.