-- Advertisements --
Naghain ng not-guilty plea sa korte sa Delaware si Hunter Biden ang anak ni US President Joe Biden dahil sa kaso nitong illegal na pag-aari ng baril.
Lumabas kasi sa pagsisiyasat ng piskalya na nagsinungaling ang 53-anyos na si Biden tungkol sa paggamit nito ng iligal na droga noong bumili siya ng barili noong 2018.
Inamin noon ni Biden sa memoir na gumagamit siya ng iligal na droga noon pero itinangging may nilabag siyang batas.
Sakaling mapatunayan ng korte na ito ay nagkasala ay makukulong siya ng hanggang 25 taon.
Nahaharap kasi si Biden ng two counts ng pagsisinungaling at isang count ng illegal gun possession.