Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) na may mas maraming pagpipilian ang mga high skilled overseas Filipino workers (OFWs) sa darating na taon.
Sinabi ni Migrant Workers Secretary Susan Ople na ang Hungary, Portugal at Romania ay nagpahayag ng kanilang pagnanais na kumuha ng mga manggagawang Pilipino.
Dagdag pa niya na ang mga umuusbong na markets ay “medyo ligtas” para sa mga OFW at sasakupin ng mga bilateral agreements.
Nais din ng Germany at South Korea na kumuha ng mas maraming manggagawang Pilipino.
Bukod sa mga nars, sinabi ni Ople na ang Germany ay nangangailangan ng mga plumbers at service workers.
Idinagdag pa ng kagawaran na maglalaan ng pondo na P1.2 bilyon sa susunod na taon upang matulungan ang mga distressed OFW na ituloy ang mga legal na kaso laban sa mga nagkakamali na employer.