-- Advertisements --
MAYON EVACUEES

Nasa 3,273 na mga pamilyang apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon mula sa anim na lokal na pamahalaan ng Albay ang nakatanggap na ng kanilang cash aid sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation ng Department of Social Welfare and Developent.

Ayon sa DSWD-Bicol, aabot sa Php16-million na halaga ng cash aid ang inilabas ng kagawaran upang ipamahagi sa mga benepisyaryo nito na tumanggap ng tig-P5,000 na ayuda.

Layunin nito na tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayang apektado ng nasabing kalamidad, lalo na’t pansamantalang naninirahan ang mga ito sa mga evacuation centers.

Nakapagtala ang DSWD-Bicol ng mahigit PHP44 milyon halaga ng tulong na ibinigay sa mga pamilyang apektado ng Mayon na nakanlong sa iba’t ibang evacuation center sa Albay.

Kasama sa mga ito ay ang pamamahagi ng family food packs, hygiene kits, sleeping kits, “malong”, tents at laminated sacks.

Habang bahagi rin ng mga interbensyon ng DSWD ang 6,435 na lalagyan ng 6-litrong distilled water.