Aabot sa 600 mula sa 2,000 tauhan ng Cebu Police Provincial Office (CPPO) ang nakatakdang i-deploy nitong lungsod ng Cebu para tutulong sa pagbibigay ng seguridad sa 458th Fiesta Señor at mga aktibidad sa Sinulog.
Inihayag ni CCPO Deputy Director for Director for Operations Lt. Col. Mark Gifter Sucalit na nagmula ang mga ito sa iba’t ibang himpilan ng pulisya sa lalawigan.
Dagdag pa nito na malaking hamon ang pag secure sa Sinulog kaya nangangailangan ng maraming tauhang ipapakalat.
Isasagawa naman bukas, Enero 3, ang send-off ceremony para sa mga ito.
Tiniyak naman ni Sucalit sa mga residente ng kanilang areas of jurisdiction na mananatili pa rin ang kapayapaan at kaayusan sa kabila ng pag-deploy ng kanilang mga tauhan dito.
Samantala, nagtatag na ang Cebu City Police Office (CCPO) ng mga kinakailangang hakbang sa seguridad para sa Walk with Jesus na magaganap ngayong Huwebes, Enero 5.
Sa kabuuan, humigit-kumulang 1,700 police force mula sa Mandaue City, Lapu-lapu City at Cebu Province ang ipapakalat para sa selebrasyon ng Sinulog at posible pang madadagdagan sa mga susunod na araw.










