Umani ng pansin ang mga humanoid robot sa Consumer Electronics Show (CES) 2026 sa Las Vegas matapos ipakita ng iba’t ibang kumpanya ang mabilis na pag-unlad sa larangan ng robotics at artificial intelligence (AI).
Isa sa mga tampok na exhibit ang humanoid robot ng Galbot na idinisenyo para magamit sa mga retail environment.
Sa mga isinagawang demonstrasyon, ipinakita ng robot ang kakayahan nitong kumuha ng mga produkto mula sa mga estante matapos maglagay ng order ang mga customer gamit ang isang iPad.
Bukod dito kaya din daw mag-operate ng robot sa iba’t ibang industriya nang hindi nangangailangan ng kontrolin ng tao.
Ayon pa sa organizer ng event na may ilang exhibitor din daw na nagpakilala ng humanoid robots na kayang sumayaw at gumaya ng galaw ng tao.
Ilan lamang daw ito sa husay ng pag-usbong ng teknolohiya sa robot pati na rin ang advanced AI at reasoning capabilities nito sa pakikipag-ugnayan sa mga tao.
Habang nagpapatuloy ang CES 2026, itinuturing ang mga humanoid robot bilang malinaw na simbolo ng patuloy na integrasyon ng artificial intelligence sa pang-araw-araw na trabaho, libangan, at interaksiyon ng tao.










