-- Advertisements --
image 496

Nananawagan si Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco para sa pagpapaigitng pa ng pagbabantay sa mga katubigan ng bansa kasunod ng reports na gingamit ng human traffickers ang southern backdoor para ipuslit palabas ng bansa ang kanilang nabibiktima.

Nagpahayag ng pagkabahala si Tansingco kaugnay sa traffickers na gumagamit ng maliliit na bangka para ipuslit ang mga biktima sa pamamagitan ng informal ports at para matakasan ang inspeksiyon sa immigration.

Binanggit ng opisyal ang mga kaso ng repatriated victims mula sa Cambodia, Malaysia, Thailand, at Myanmar na nabiktima ng human trafficking gamit ang mga backdoor route sa Sulu at Tawi-tawi.

Kaugnay nito, hinimok ni Tansingco ang local law enforcement agencies na imbestigahan ang iba pang posibleng exit points ng mga traffickers at hiniling sa mga LGUs na palakasin pa ang seguridad sa nasabing mga lugar.

Ipinaabot naman na ng BI ang naturang impormasyon sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sa malalimang imbestigasyon.

Top