-- Advertisements --

Ipapatupad na ng pamahalaan sa Enero 1, 2020 ang ikatlo at huling tranche ng excise tax hike sa mga produktong petrolyo, ayon kay Finance Asec. Tony Lambino.

Ang Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law ng Duterte administration, na ipinasa noong 2017, ay nagpapataw ng P2.50 per liter excise tax sa diesel at P7.00 naman ang sa gasolina simula Enero 1, 2018.

Tumaas pa ito ng karagdagang P2.00 kada litro noong Enero 1, 2019 kaya naging P4.50 na ang excise tax sa diesel at P9.00 naman ang sa gasolina.

Para sa final round ng excise tax hike, ang gasolina ay magkakaroon pa ng P1 increase, P1.50 para sa diesel, at P1 naman para sa kerosene.