-- Advertisements --

Ibinunyag ni NBA legend Michael Jordan na hindi pa rin niya binubura ang huling text message sa kaniya ng namayapang si Kobe Bryant.

Ayon sa dating Chicago Bulls superstar, na huling nag-text sa kaniya si Bryant noong December 8, 2019 o 49 araw bago ito pumanaw.

Laman ng text message nito ay ang pagpupuri ng kaniyang bagong tequila, tungkol sa kaniyang pamilya at ang komento nito sa balak na maging basketball coach para sa kaniyang anak na si Gianna.

Magugunitang pumanaw ang Los Angeles Lakers star noong Enero 2020 ng bumagsak ang sinakyan nitong helicopter kasama ang anak at pitong iba pa.