-- Advertisements --

Muling gaganap bilang Wolverine ang actor na si Hugh Jackman.

Kabilang kasi ang kaniyang character sa pelikula ni Ryan Reynolds na “Deadpool 3”.

Sa social media ni Reynolds ay nagpahapyaw na ito sa pagsama ni Jackman.

Makikita na magkasama ang dalawa sa video at tila naglalaban.

Magugunitang sa loob ng 17 taon ay gumanap si Jackman bilang Wolverine at nagretiro sa pagganap noong 2017 sa pelikulang “Logan”.