-- Advertisements --

Nagbabala ang grupo ng Houthi ng Yemen na bobombahin nila ang mga military vessel ng Estados Unidos sa Red Sea kung patuloy na makikialam ang mga ito sa sigalot ng Iran at Israel.

‘Yan ang kinumpirma ng tagapagsalita ng militar ng Houthis, aniya ang anumang tulong ng Amerika sa Isreal ay itinuturing na agresyon at hindi umano nila ito palalampasin.

‘Any US aggression or attack in support of the Israeli enemy against Iran serves this goal and therefore cannot go unanswered. Remaining silent would mean surrendering the freedom and dignity of the [Islamic] nation and allowing its wealth to be plundered,’ ani ng statement ng grupong Houthi.

Ang naturang banta ay nangyari matapos ang ika-siyam na araw ng palitan ng pambobomba ng Israel at Iran, sa kabila yan ng umiiral na ceasefire noong Mayo sa pagitan ng Estados Unidos at Houthis kung saan patuloy na lumala ang tensyon.

Samantala, una nang nagbanta si U.S. President Donald Trump sa posibilidad ng pag-atake sa Iran, habang nananawagan ang mga opisyal ng Israel na sumali ang Amerika sa pagtatanggol dito.

‘I trust [US] President [Donald] Trump to do what’s right for the US, but in talks with international officials and in the international press, I repeatedly say, ‘The US must join this battle.’ A nuclear Iran is a threat to the entire world, not just Israel,’ pahayag ng opposition leader na si MK Yair Lapid.

Nagbabala rin ang Iran na aatakehin ang mga base militar ng Amerika sa Middle East kung sakaling makialam ito sa digmaan.