Hindi posibleng na gawing house-to-house ang pagbabakuna konra COVID-19 sa kasagsagan ng dalawang linggo na enhanced community quarantine (ECQ) period sa Metro manila, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos.
Ayon kay Abalos pinaka-praktikal pa rin kung sa mga designated vaccination sites pa rin ito gawin dahil mas marami ang mababakunahan kung sakali.
Bukod dito, mas dire-direcho rin ang proseso kung hindi house-to-house ang vaccination process.
Magugunita na ilalagay sa ECQ ang Metro Manila simula Agosto 6 hanggang 20 bilang preemptive move laban sa pagkalat ng Delta coronavirus variant.
Noong nakaraang linggo, sinabi pa ni Abalos na committed ang 17 alkalde sa NCR na makapagturok ng nasa 4 million jabs sa kasagsagan ng ECQ period.
Makakatulong aniya ito para makamit ng pamahalaan ang inaasahan na population protection sa lalong madaling panahon.