BAGUIO CITY – Magsasagawa ang Municipal Health Services Office (MHSO) ng La Trinidad, Benguet ng house-to-house vaccination para sa mga batang hindi nabibigyan ng regular na bakuna dahil sa Enhanced Community Quarantine.
Ayon kay MHSO Officer-in-Charge Dr. Genevieve Degay, sakup ng programa ang mga batang hindi nabakunahan mula sa huling linggo ng Marso hanggang April.
Aniya, isasagawa ang programang pinamagatang “Catch up Bakuna” sa loob ng dalawang linggo.
Ipinaliwanag ni Degay na sa pamamagitan ng programa ay magiging regular pa rin ang pagbakuna sa mga bata para manatili silang malusog at makaiwas sa iba’t-ibang uri ng sakit.
Idinagdag ni Degay na kumuha ang MHSO ng mga nurses at midwives na magsasagawa ng vaccination dahil sa exposure ng mga staff ng Municipal Health Services Office ng La Triniad, Benguet sa COVID-19.