-- Advertisements --

Pinuna ng Commission on Human Rights (CHR) ang planong pagbabahay-bahay na paghahanap sa confirmed cases ng COVID-19 para dalhin sa quarantine facilities.

Ayon sa CHR, posibleng labagin ng naturang hakbang ang ilang probisyon sa karapatang pantao, partikular na ang right to privacy.

“The recent pronouncement of the government—to assign state security forces, police officers and local government unit representatives, to conduct house-to-house searches to look for and transfer COVID-19 patients under home quarantine to isolation facilities managed by the government—is susceptible to overreach in terms of guaranteeing the right to privacy and right of individuals to be secure in their abode,” nakasaad sa statement.

Dagdag pa ng CHR, ang paglilipat sa quarantine facilities ng confirmed cases na naka-home quarantine ay posibleng paglabag sa probisyon ng Saligang Batas, na nagsasabing may karapatang ma-secure sa kanilang tahanan ang bawat indibdiwal.

“It is worth noting that the Constitutional right of people to be secure in their houses, papers, and effects is inviolable and makes illegal the forcible entry, search, arrest, and seizure of individuals inside the safety of their homes without a determined probable cause.”

Kinikilala naman daw ng komisyon ang layuning protektahan ang kaligtasan at kalusugan ng nakararami, pero dapat din umanong masiguro na hindi nito makokompromiso ang karapatan ng iba.

Una nang nilinaw ng Department of Interior and Local Government na mga health workers ang mangunguna sa Oplan Kalinga at hindi mga pulis.

Ayon sa Department of Health, hindi pinapayagang mag-home quarantine ang isang confirmed case kung hindi pasok sa requirements ang available resources ng kanyang bahay. Tulad ng hiwalay na kwarto at banyo para sa pasyente.

Depensa naman ng Malacanang, ang mga una nang nakumpirma na confirmed case lang nasa kanilang bahay ang dadalhin sa quarantine facilities, at hindi na magkakaroon ng pagbabahay-bahay na search operation.