Suportado ni House Ways and Means Chair at Albay, 2nd District Representative Joey Salceda ang pagsali ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) na malaking tulong sa paglago sa ekonomiya ng bansa.
Sinabi ni Salceda na bilang isang libreng mangangalakal, naniniwala siya na ang kasunduan ay maaaring “mapabilis ang domestic agriculture at manufacturing sektor” ng bansa maliban na lamang kung ang target ng gobyerno na ang manufacturing ay gawing more competitive and agriculture more efficient.
Aniya, mayruong epekto sa Pilipinas ang hindi pagsali sa RCEP dahil talo tayo sa kompetisyon.
Paliwanag ng House Tax chief na ang pinakamahalagang pagbabago na maidudulot ng RCEP ay ang mas madaling rules-of-origin procedures.
Ang anumang input mula sa alinmang bansang miyembro ng RCEP ay itinuturing na domestic input.
Dagdag pa ni Salceda na maaari itong magpapasok ng mas maraming Chinese at Australian complex goods sa bansa na walang mga taripa.
Sa ngayon kasi ang IndoChina ay mayruon ng integration at seamless interconnection of economies mula sa high north ng China hanggang sa Singapore, tanging ang Pilipinas at Indonesia ang naiiwan sa interconnectivity.
Ibinahagi din nito na ang mga nasabing bansa ay nagpapalitan ng mga non-tradeable, tulad ng enerhiya mula sa Laos o Cambodia, kung saan ang presyo ng kuryente ay kasing baba ng 2 pesos kada kwh. Ginagamit ng Thailand ang murang paggawa at ang China at Vietnam ay nakikinabang sa pagiging magkatabi.
Samantala, naniniwala naman si Salceda na makakamit ng Pilipinas ang renewal ng Generalized System of Preference Plus (GSP+) trade agreement sa European Union.
Pinahihintulutan kasi ng GSP+ ang Pilipinas na mag-export ng mga kalakal sa EU sa mga preferential tariffs, mag-e-expire kasi ang kasunduan sa taong ito.
Idinagdag ni Salceda na nakatakda siya makipag usap sa mga embahador ng mga bansa sa Europa at kaniyang ipapaliwanag ang posisyon ng Pilipinas.
Ipinunto ni Salceda mahalaga ang mga ganitong kasunduan dahil may pakinabang ito lalo na sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Kailangan ng bansa ng mga lugar kung saan maaaring makakapag-export sa mga preferential na rate.