Sinang-ayunan ni House Ways and Means Chairman at Albay Representative Joey Salceda ang desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi na palawigin pa ang state of calamity sa bansa dahil sa Covid-19.
Dahil dito mas mabibigyan na ng pondo ng gobyerno ang mga maituturing na ‘high-risk’ events.
Ayon sa House tax chief, mismo ang World Health Organization ang nagsabi na hindi na maituturing na global health emergency and Covid-19.
Sinabi ni Salceda na sa ngayon mapagtutuunan na ng pansin ng gobyerno ang mga nararanasang kalamidad at ang problema sa sektor ng agrikultua.
Sabi ng economist solon na ang epekto sa naging desisyon ng Pangulo ay hindi na magagamit ang local calamity funds para sa Covid-19 related expenses.
Sa kabilang dako pinuri ni Salceda ang direktiba ng Pangulong Marcos na ituloy pa rin ang pagbibigay ng Covid-19 allowances sa mga health care worker.
Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga pa rin na handa at kakayanin ng healthcare system ang posibilidad na pag-akyat ng bilang ng covid cases sa bansa.