Nababagalan si House Ways and Means Committee chairman at Albay Representative Joey Salceda sa paggasta ng gobyerno, sa kabila ng naitalang 6.4% na paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.
Ayon kay Salceda kailangan magkaroon ng government spending catch-up plan lalo at ang naitalang GDP growth rate ang siyang pinakamabagal na paglago ng ekonomiya ng bansa sa nakalipas na pitong quarter matapos ang pandemya.
Binigyang-diin ni Salceda na kung hihimayin ang mga datos, lumalabas na ang paglago ng ating ekonomiya ay sinalo ng private sector.
Dagdag pa ni Salceda, naging mas mabilis din ang household consumption kaysa sa government final consumption.
Tinukoy din ni ng economist solon na nagkaroon ng 1.06 percent na pagbaba sa national government expenditures kung ipagkukumpara ang unang quarter ng 2022 at 2023.
Dagdag pa ng House tax chief na kailangan magkaroon ng spending catch-up plan para makapag release ng pondo na gagamitin sa mga proyekto sa susunod na quarter.
Aniya, kapag maaga na release ang pondo para sa mga government projects mas maraming benepisyo ang makukuha dito ng sambayanan at gobyerno.