-- Advertisements --
Martin Romualdez

Inatasan ni House Speaker Romualdez si Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Rep. Erwin Tulfo bilang caretaker o gumanap ng kanyang tungkulin pansamantala para i-assess ang pinsala ng lindol na tumama sa southern Mindanao.

Kasalukuyan kasing nasa labas ng bansa ang House leader na kasama sa delegasyon ni PBBM sa kanyang nagpapatuloy na state visit sa US.

Naniniwala ang House Speaker na ang pinsalang idinulot ng lindol ay nangangailangan ng komprehensibo at mabilis na pagtugon para matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga apektadong komunidad.

Bilang tugon, pinagtibay ng mambabatas ang kaniyang dedikasyon sa naturang tungkulin at nagpahayag ng pasasalamat sa pagtitiwala sa kanya ng House speaker sa naturang responsibilidad.

Sinabi din ng House Majority leader na tututukan nila ang mga agarang pangangailangan ng mga apektadong lugar at pagtiyak ng isang coordinated at efficient response para tumulong sa relief at recovery process.

Nakatakdang dumating ang mambabatas sa General Santos umaga ng Linggo, Nobyembre 19.

Makikipag-coordinate ito sa ground commander ng Tingog Party-list para sa kaniyang pagbisita.

Una ng inanunsyo ng Office of the Speaker at Tingog-Party-list nitong Biyernes na nakapagpamahagi na ang P20 million halaga ng tulong at 5,000 food packs para sa mga apektadong residente dahil sa malakas na lindol.