BOMBO DAGUPAN – Binansagan na “troublemaker” si House Speaker Nancy Pelosi hinggil sa ginawang pagbisita nito sa Taiwan kamakailan.
Ayon kay Bombo International News Correspondent Pinoy Gonzales, ayaw umano ng mga US citizens ang pagbisita ni Pelosi sa nasabing bansa.
Inihalintulad nito ang ginawa na pagpayag ng White House sa naturang pagbisita ang nangyayaring sagupaan ngayon ng Russia at Ukraine.
Binigyang-diin nito na natatakot ang mga residente sa maaaring ibunga ng pagbisita ni Pelosi sa Taiwan.
Kawawa rin umano ang mga US citizens dahil balak ng US na magpadala ng tulong sa Ukraine ngunit hindi naman mapapakinabangan ito ng mga Amerikano dahil mapupunta lamang ang pera sa mga taong hindi accounted para rito.
Nakikita naman ng ilang US citizens na ang pagbisita ni House Speaker Pelosi ay hindi tama dahil hindi niya trabaho ito dahil ang papel lamang niya ay sa lehislatura.
Dagdag pa ni Gonzales na wala naman umanong gulong nangyayari sa Taiwan sa kabila ng mga pag-atake ng China sa bansa.