Pinalakas pa ng House prosecution panel ang kanilang legal team matapos ipakilala ang ikalawang batch ng private prosecutors na tutulong sa pag-usig kay Vice President Sara Duterte sa nalalapit na impeachment trial sa Senado.
Kabilang sa mga bagong private prosecutors sina:
1. Atty. Theodore Te
2. Atty. Reynaldo Robles
3. Atty. Arnold Labay
4. Atty. Mae Divinagracia
Ayon sa House prosecution, ang apat ay may malawak na karanasan sa constitutional law, criminal at civil litigation, election law, corporate law, human rights, at legal education. Makakasama nila si Atty. Benjamin Tolosa at ang unang grupo ng sampung private prosecutors sa paghahain ng ebidensya laban sa bise presidente.
Haharapin ni VP Duterte ang impeachment trial kaugnay ng mga alegasyon ng umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds, hindi makatotohanang deklarasyon sa kanyang SALN, unexplained wealth, at mga bantang pahayag laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
















