-- Advertisements --

Nanawagan si PBA party-list Rep. Jericho Nograles sa Kamara na pairalin ang oversight function nito para maimbestigahan ang pagdami ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO) sites sa bansa na pawang pinatatakbo ng mga Chinese citizens.

Dapat aniyang matukoy ang epekto sa Pilipinas ng hindi inaasahang impact ng mga POGO sites sa buong bansa para makagawa sila ng mga batas kung paano i-regulate ang mga ito.

Tinukoy ni Nograles ang aniya’y “sensitive” security concerns patungkol sa presensya ng mga POGO outlets malapit sa mga military at police headquarters tulad ng sa Camp Aguinaldo, Camp Crame, Camp Bagong Diwa at iba pa.

Kahapon, inihain ng Makabayan bloc ang isang resolusyon na humihimok sa House committee on games and amusement, at committee on goog government and public accountability, na magsagawa ng imbestigasyon upang sa gayon matukoy ang epekto ng POGO sa mga Pilipino, ekonomiya at seguridad ng bansa.