Umaasa ang minorya sa Kamara na mabibigyang-pansin ang kanilang mga panukala sa GAA 2026
Sa Turno en Contra, inihayag ni House Minority Leader Marcelino Libanan bagamat batid nilang laging masusunod ang kagustuhan ng mayorya sa proseso ng botohan, umaasa pa rin sila na mabibigyang-diin at maisasama ang kanilang mga punto sa panahon ng mga amyenda hanggang sa Bicameral Conference Committee.
Binanggit din ng Minorya ang isang magandang halimbawa ng pagkakaisa sa pagitan ng dalawang panig ang magkatuwang na paglalaan ng ₱12.3 bilyon para punan ang kakulangan sa pondo ng Universal Access to Quality Tertiary Education mula 2022 hanggang 2025.
Ito ay inilaan sa mga State Universities and Colleges (SUCs) at sa Commission on Higher Education (CHED).
Nanawagan ang Minorya ng mas matibay na pagkakaisa para sa kapakanan ng bansa.
Ang GAA 2026 ay kasalukuyang sumasailalim sa masusing pagsusuri ng Kamara bago ito tuluyang pagtibayin at maisabatas.