-- Advertisements --

Pinuri ni Senior Deputy Minority Leader at Northern Samar 1st district Rep. Paul Daza ang hakbang ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), Better Regulations Office (BRO), Department of Transportation (DOTr) at iba pang mga ahensiya sa pagtugon sa problema ng congestion sa mga daungan.

Nagsanib pwersa ang mga ito upang ma pabuti ang operasyon sa mga pier lalo na ang logistical streamlining.

“I know how a multi-agency initiative takes a lot of work, hurdles, and patience. So, please, let us all give ARTA and partner agencies a big round of applause!” pahayag ni Representative Daza.

Bahagi ng priority agenda ng beteranong mambabatas ang pagsusulong ng logistical solutions sa mga daungan.

Binanggit ni Daza ang congestion sa kapibahay na Matnog port sa Sorsogon at sa Allen port sa Northern Samar na nagdudulot ng sakit na ulo sa mga biyahero at maging sa mga entrepreneurs na gumagamit ng nasabing ruta.

Ayon sa mambabatas, sa Allen Port kailangan pang maghintay ng barko na mapuno bago ito bumiyahe.

Dahil dito nagpasalamat si Daza sa Joint Memorandum Circular kaugnay sa port guidelines na nagpapahintulot ng “three-hour rule of stay”.

Naniniwala si Daza na ang Joint Memorandum Circular ang siyang tutugon sa congestion sa Allen at Matnog port.

Ang Matnog port ay tinaguriang most congested ports sa bansa, bahagi din ito sa Asian Highway 26 (AH26) o mas kilalang Pan-Philippine Highway na siyang gateway sa pagitan ng Sorsogon at Samar at ginagamit karamihan ng mga logistics providers para mag transport ng mga goods sa ibat ibang bahagi ng archipelago.

Ang AH26 ay isang network of roads, ports, at maging ng mga Roll-on/Roll-off (RoRo) vesselsna bumibigyahe sa buong bansa mula Laoag patungong Zamboanga.

“The business volume of the Philippines freight and logistics market is estimated at $15.6 million in 2021. The number of online sellers also increased from 1,700 in March 2020 to 93,318 in January 2021, further boosting our e-Commerce. That’s why this event and the wide-ranging modernization efforts that we have been doing are critical,” paliwanag ng mambabatas na isang ring ekonomista.