-- Advertisements --
Nanawagan si House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales sa Senado na itigil na ang personal na paninira kay House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.
Ayon kay Gonzales Jr. na ayaw na nilang lumalim ang anumang hidwaang mayroon ngayon ang Senado at Kamara.
Dagdag ni Gonzales, mabuting ihinto na ang mga paratang o mga salitang pangit pakinggan na mga kabataan.
Sinabi ni Gonzales na mas makabubuti kung magtrabaho na lamang ang lahat ng maayos, lalo’t marami nang problema ang ating bansa.
Una rito, pinalagan ng ilang Senador ang isang resolusyon na pinagtibay ng Kamara na naghahayag ng buong suporta kay Speaker Romualdez, sa gitna ng isyu ukol sa People’s Initiative o PI para sa isinusulong na Charter Change o Cha-Cha.