Hiniling ni House Deputy Minority Leader Antonio Tinio sa Office of the Ombudsman na imbestigashan ang nasa P4.4 bilyon halaga ng flood control projects sa unang distrito ng Davao City.
Ayon sa mambabataas na mayroong iregularidad kabilang ang mga overlapping contracts, double funding at missing project details.
Dagdag pa nito na inaral ng kaniyang opisina ang nasa 121 flood control projects na ipinatupad mula 2019 hanggang 2022 na naitala sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa nasabing bilang aniya ay mayrong 80 mga kontrata ang nakitaan ng red flags na nagkakahalaga ng ilang bilyong peso.
Sa sulat na kaniyang isinumite sa opisina ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na imbestigahan ang nasabing mga proyekto at magsagawa rin ng physical na pagsisiyasat.
Ilan sa mga red flag na nakita dito ay karamihan sa mga proyekto ay nakuha ng Genesis88 na pag-aari ni Glenn Escandor ang dating sports adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang representative ng Davao City First District mula 2019 hanggang 2022 ay si Paolo Duterte.
Umaasa si Tinio na mabigyan ito ng pansin ng Ombudsman dahil una na niyang ipinarating ito sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) subalit sila ay nagsara na.
















