-- Advertisements --

Hindi pa sumuko ang Magnolia Hot Shots Timplados matapos talunin nila ang Beermen 88-80 at maitala ang isang panalo sa 48th PBA Commissioner’s Cup Finals.

Dahil sa panalo ay mayroon ng isang panalo ang Magnolia habang dalawa na ang Beermen sa Best of Seven Finals na ginanap sa Smart Araneta.

Nanguna sa panalo si Mark Barroca na mayroong 20 points habang mayroong 17 points ang naitala ni Paul Lee.

Ikinatuwa naman ni Magnolia coach Chito Victolero dahil sa gumana ang kanilang ginawang adjustments sa at nakabangon sila sa dalawang pagkatalo ng koponan.