-- Advertisements --
Isang panalo na lamang ang kailangan ng Magnolia Hotshots para makapasok sa finals ng PBA Commissioner’s Cup matapos malusutan ang Phoenix Super LPG 82-78.
Mayroon ng 2-0 na kalamangan ang Magnolia sa best of five semifinals.
Sa first half ay mayroong double digit na kalamangan ang Magnolia at pagpasok ng third quarter ay bahagyang nakahabol ang Phoenix.
Naibaba pa ng Phoenix sa dalawa ang kalamangan ng Hotshots 60-62 subalit umarangkada ang Hotshots.
Nanguna sa panalo si Magnolia import Tyler Bey na nagtala ng 25 points, 12 rebounds, isang asisst at isang steal at mayroong 17 points si Jio Jalalon.