Hotshots

Naitala ng Magnolia Hotshots sa 2-2 ang best-of-seven PBA Philippine Cup semifinals nila ng Rain or Shine 94-91.

Sinimulan ng Hotshots ang laro ng makuha nila ang 8-0 run kung saan umabot pa sa 21 puntos ang kanilang kalamangan.

Hindi nawalan ng pag-asa ang Rain or Shine hanggang mailapit nila ang score na 92-91 subalit hindi naipasok ni James Yap ang kaniyang three-point attempt.

Nanguna sa panalo ng Rain or Shine si Ian Sangalang na nagtala ng 19 points at 10 rebounds habang mayroong 15 points si Paul Lee.