-- Advertisements --

LAPU-LAPU CITY – Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng Lapu-lapu City Police Office upang matukoy ang pagkakakilanlan ng isang indibidwal na tumawag at nagsabing may bomba sa loob ng JPark Hotel and Resort sa Brgy. Maribago, Lapu-lapu City.

Nangyari ito kahapon, Oktubre 25 ng taong kasalukuyan.

Base sa imbestigasyon, na bandang 4:52 PM, nakatanggap ng tawag ang telephone operator na si Robelyn Lazarte mula sa hindi kilalang lalaki gamit ang cellular phone no 09355730609.

Sinabi pa ng nasa kabilang linya ng dalawang beses na may bomba sa hotel pagkatapos ay ibinaba ang tawag.

Agad namang ipinaalam ni Lazarte sa Security Manager ng hotel at nagsagawa sila ng initial paneling.

Matpos nito ay humingi na sila ng assistance mula sa Special Weapons and Tactics (SWAT) at agad na nagsagawa ng masusing inspeksyon at paneling ngunit walang nakitang bomba.

Iniendorso na ang cellular number sa Regional Anti-Cybercrime Unit 7 (RACU7) para sa pag-verify ng pagkakakilanlan ng hindi kilalang tumatawag.