-- Advertisements --
image 83

Nagpahayag ngayon ng intensiyon ang Philippine Racing Commission (Philracom) na i-develop ang horse racing sa Pilipinas bilang tourism industry.

Pinuri naman ni Senator JV Ejercito ang plano at pangako ni Philracom chief Aurelio de Leon na susubukan nitong ibalik ang P50 million allocation na tinapyas ng Department of Budget and Management (DBM).

Sinabi ni De Leon na ipinanukala nila ang P243 million para sa 2023 pero P193 million lamang ang inaprubahan ng DBM.

Dagdag ni De Leon na sa P3.2 billion total sales ng komisyon ay puwede raw na makapag-generate dito ang pamahalaan ng P912 million income kada taon.

Ang Philracom ay itinatag noong 1974 sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr. para i-promote ang horse racing hindi lamang para sa sports development program pero ito ay para masiguro na rin ang full exploitation ng sport bilang source of revenue at employment.

Naging pangunahin naman itong contributor ng coffers ng bansa at major source ng pagpondo para sa civic organizations.

Ayon naman kay De Leon, kung may pagkakataon daw ay ang horse racing ay maaaring maging Kentucky Derby.

Ang Kentucky Derby ay ginaganap taon-taon sa Louisville, Kentucky sa United States.

Nangunguna naman ang attendance ng naturang karera ng kabayo sa North America at karaniwang nalalagpasan ang ilang ng iba pang sikat na US horse races kabilang na ang Preakness Stakes, Belmont Stakes at Breeders’ Cup.

Sinabi naman ni Senate Minority Leader Aquilino Pimentel III na ang potential ng commission bilang income-generating agency ay makakatulong sa gobyerno para makapagbgay ng basic services.

Dagdag naman ni De Leon na ang Philracom ay nagmimintina ng breeding farms at sa ngayon ay mayroon itong populasyon na 1,800 racing horses na ipinakalat sa buong bansa.

Inanunsiyo rin nito ang pagsasara ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa October 22 dahil matatapos na ang 85-year-old franchise nito.

Dahil dito, ang San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite at Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas na lamang ang mga major horse race tracks sa bansa.