-- Advertisements --

Kumamada ng 24 points si Devonte’ Graham ng Charlotte para matambakan ng Hornets ang Boston Celtics, 125-104.

Tumipa ng 22 points at 12 rebounds si P.J. Washington, nagposte ng 21 points at 11 assists si Terry Rozier, at may natipon na 20 points naman si Miles Bridges.

Ito na ang ika-anim na magkakasunod na panalo ng Hornets sa nakalipas na pitong laro.