-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng 14 na buwan ang Hong Kong pro-democracy media tycoon na si Jimmy Lai matapos na mapatunayan ng korte na guilty ito sa unauthorised assembly.

May kinalaman ang nasabing kaso sa malawakang pro-democracy rally noong 2019.

Ang 73-anyos na si Lai ay founder ng Apple Daily na siyang itinuturing matinding kritiko ng Chinese government.

Magugunitang mas pinaigting pa ng China ang paghuli sa mga kritiko ng China.
Maraming mga activist na rin ang hinatulang makulong na sumali sa demonstrasyon noong Agosto 2019.