Isasailalim ng Hong Kong sa quarantine ang lahat ng mga turistang papasok sa kanilang bansa.

Sinabi ni Hong Kong leader Carrie Lam, dapat ay sumailalim ng 14 na araw na quarantine ang mga bibisita sa kanilang siyudad.

Dagdag pa nito na hindi ito epektibo sa mga nasa Macau at Taiwan.

Umabot na kasi sa 57 na bagong kaso ng coronavirus kung saan 50 dito ay mga galing sa ibang bansa.

Nasa 155 na ang kumpirmadong kaso sa nasabing Chinese territory.