-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Ikinagalak ng ilang mga Hongkong Employers ang balitang partially lifted na ang travel ban ng pamahalaan sa Macau at Hong Kong.

Ayon kay Bombo International Correspondent Shella Mae Gallo, nagpapasalamat umano ang mga OFW na hindi agad nakabalik sa hongkong matapos na ipinatupad ang travel ban matapos na magkaroon ng positibong kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Ngunit, ayon sa kanya nakatutok naman ang Hong Kong authorities sa kaso ng COVID-19 kung saan nagpatupad din ito ng lockdown sa China.

Samantala, nagpahayag ng pagkabahala naman sa ngayon ang mga OFW’s sa Hongkong matapos makumpirma ang unang kaso ng Pinay Domestic Helper na nagpositibo sa corona virus.

Hindi naman ipinalabas ang kabuuang detalye ng pagkakakilanlan ng 32 taong gulang na Pinay.

Ayon umano sa report, kumain ang nasabing Pinay kasama ng kanyang 67 anyos na employer sa isang Seafood Restaurant sa Kings Road sa NOrth Point kasama ang 28 iba pa.

Napag-alaman na sa unang pagsailalim sa test ay naging negatibo ang Pinay ngunit nakaranas ito ng mga sintomas matapos ang 14 na araw at muling isinailalim sa testing at doon na nagpositibo.

Sa ngayon, nakatutuok na umano si Philippine Consul General Raly Tejada sa nasabing impormasyon.