-- Advertisements --

Inaresto ng mga otoridad sa Hong Kong si pro-democracy activist at pop star Denise Ho.

Ayon sa naitonal security police, isa si Ho sa anim na indibiwal na kanilang inaresto na konektado sa online media organization na Stand News.

Inaakusahan kasi ang mga ito ng “conspiracy to publish seditious material.

Si Ho na dating Stand News board member ay isinilang sa Hong Kong pero lumaki sa Canada.

Noong 2000 ay ilang kanta ang pinasikat nito hanggang pumasok sa pag-aartista.

Naging mukha na rin siya ng pro-democracy movement ng Hong Kong na dumadalo sa mga pulong ng United Nations at US Congress.